* S H A T T E R E D dreams ]

Saturday, December 09, 2006



ay sus.. wala tlga ako magawa... hmpf! haha! kung marami lang akong pera, nakapag-gala na ako :) haha! Fridays and saturdays are my TAKAS DAYS! :) hehe! wala kase si father. :) walang guardia sibil. Weeeh! eh yun, maghapon akong nakatunganga sa bahay. yosi ng isa. tapos kain. luto ng konti. linis ng konti. tugtog buong maghapon. net maghapon. :) ay sus! Unti- unti ng nawawala ang addiction ko sa yosi. yehey! ;) eh yun nga, wala naman bago ngayong araw na to. HAYUP! haha! la tlga magawa. Badtrip, wala akong mms. GUSTO KO isend ang "scandal" ng kapatid ko at mga pix nyang tambay mode nung kami ay nasa San Juan at ang kanyang mga emo moments nya sa san Juan. Tawa ako ng tawa tuwing nakikita ko yung pics ng utol ko. :) haha! Lumabas pala kami ng family ko, ayun pag-gala gala.. kain kain.. masaya tlga, kahit minsan nakaka-irita kasama sila at puro reklamo, puro drawing. :) haha! Hirap nila kausapin eh.. simple kase akong kausap eh sila complicated. Badtrip nga eh, haha. pero oks lang yun, pamilya ko parin sila at i owe a lot to them, kahit minsan eh ginagawa nilang impyerno ang buhay ko. Isa sila sa dahilan kung bakit ako nag-attempt suicide. Oh well, sa sobrang bagot ko dito bigla ko naiisip yung nakaraan ko, yung high school days ko na napaka-pait. Sa sobrang dami ng nangyari saken nun parang nagulat ako na nandito ako, nagtatype at nagkekwento tungkol sa storya ng buhay ko. Ilan na ang mga malulungkot na pagsubok ang dumaan saken, kaya siguro ako immune ngayon.. sana nga immune! haha! Nung mga panahon na yun eh gusto ko araw araw may sakit ako para maramdaman ko pag-aaruga at pagmamahal ng ka-pamilya ko. Minsan tamad na rin ako pumuntang school noon, lagi na lang ako pinagiinitan dun eh, hindi ng mga teachers, kungdi ng mga schoolmates ko. Oh well, that's life. TAMA NA NGA ANG DRAMA! POTA! haha!

ngayon, masayang masaya ako. SOBRA SOBRA SOBRA! umaapaw ang kasiyahan ko, kung pwede lang to pamahagi e di halos 10 milyong katao ang masaya ngayon :) Ay sus, enough of the problems. Kailangan ko na mag-sipag mag-aral! Dahil alam ko na kung san course ako mag-shishift :) at kung san ako lilipat :) ayyy.. malapit na ang simbang gabi too bad di ko masisimulan kase nandito ako sa kyusi. oks lang yun.. :) haha! Don't worry family and friends, I'll be home for christmas :) Kahit na ayoko na umuwi jan, pasko naman eh kaya oks lang :)

Malapit na pala ang Enero, ay nako! malapit na naman ako gumawa ng mga resolutions :) haha! malapit na rin ang Fiesta ng San Pablo! BATTLE NA TOOO!! Sana nga makauwi ako at makapanood man lang ng battle. Oks na saken kahit hindi lumaban ang banda namin, kahit yun ang balak namin ngayong parating na fiesta :)

Hay nako, sa thursday pa ang pasok ko! nyetaaaaa! ilang araw na akong bakasyon at nakatoka dito sa bahay! hooo! meeen!! hehe. ay basta gusto ko na pumasok sa schooL!! sobraaa!! :)


* my S H A T T E R E D dreams_ 12/09/2006 09:43:00 PM