* S H A T T E R E D dreams ]

Sunday, July 30, 2006



hiatus.. oo taena... take a break! haha. pansamantala akong mawawala sa pagiinternet at sa Laguna sa kadahilanan na sa August 8 na ang aming midterms. HAY! nakakastress at hassle!!!!!! Well, kaya yan.. wala munang Charns sa INET world @_@ hahaha. Pero oks lang yan

mga pangyayari...
nasa laguna ako ngayon, saya! Kagabi halos 12 am na ata ako nakatulog dahil tinapos ko pa yung Curious Play II Eikoden (Fushigi Yuugi) pota! kala ko isang chapter lang, eh yung pala tinapos din pala.. pamula 9:30 hanggang 11:30. Madness. haha. =p

So ayun, ang sarap ng tulog ko dahil sobrang lamig sa Manila at ang lakas ng ulan. Ang saya ng panaginip ko, tapos biglang "charisssaaaaa!!! gumising ka na! tara na! bumangon ka! umuwi ka na! tara bilis" SUSKO! kala ko nanananginip ako, pero totoo nga! Dumating ang ermats ko, nyak! ayun sinamahan ko umuwi at dumaan pa kami ng Calamba at Los Banos dahil sinundo namin kuya ko sa Calamba, at dumaan kami sa LB para bumili ng halaman.

Ang daming nagulat sa pag-uwi ko, di ko daw pinanindigan ang aking pangakong di ako uuwi dahil ng midterms, pero oks lang yan.

Nabuksan ko na ang Student Access Module sa school ko! takte... lintik na yan, lahat pala ng kailangan nandun na! pati grades ko at eto pa pwede mo pang i-message ang mga prof mo! Sayang nga lang, hindi pwedeng anonymous. hehe jokeness. =)

Hay, narinig ko na may gig ang Maryzark sa La Co, yey! sana makapunta ako! Sa bagay, kapitbahay naman sa Mendiola ang La Co eh. sana nga totoo =)

Eh yun, nakabili na ako ng PULP magazine na may free cd ng WBOB, saya! na-adik ako sa Point Click Kill!! S'ka Linti! takte, saya!

Eh yun nga nakakaantok dito sa San pablo, at ang lintik kong cellphone ay tunog na lang ng tunog, kaso tinatamad ako magreply, nawawala ang concentration iha! joke =p Nakaka-adek naman ang Unlimitext... di ako makatigil sa kakatext, kahit smiley ang send ko basta masulit =) galit na siguro saken ang globe hahahaha.

Plans for next year....
Ay nako, may plano na ako for next year, may balak ako mag-transfer ng school. Balak ko sana sa UST pero di ko alam kung payag ang mgulang ko =( Bahala na si batman! Gusto ko kase Journalism ang course ko, kaso lintik na school ko walang Journ at eto pa, di ako sure kung pwede makapili ng major. I desperately want to shift to Journalism, after that pwede na ako bumalik ng Mendiola para makapag-Law sa San Beda. Bahala na talaga si batman saken.

Hay, sana naman di na ako tamarin mag-aral this week, para umasenso naman buhay ko *sigh* SIKAP CHARNS! SIKAP!!! KAILANGAN MONG SUMIKAP PARA MAABOT ANG IYONG PANGARAP!!

NYAK!
pucha, pag papunta ako ng school every morning, pamula QC, dadaan ako sa Sta. Mesa para makapuntang Mendiola, naknampoots, tuwing dumadaan ako sa Sta. Mesa, nakakapanglaway ang mga guitar, langya.. kelan kaya ako makakabili ng bago? at kelan kaya ko mapapaayos ang gitara kong isa? pocha..

Ang hirap na mamuhay ngayon, hay! laging ubos ang allowance ko kahit ilang pilit na ako nagtitipid. Lintik. akalain nyo 500-600 pesos nauubos ko sa isang linggo!! takte. I miss my friends in san pablo. Gels, Jen, Bea,Jem, Keen, Xian, Jelai, Mich, Kim, L.A (ang aking munting buddy!!) Chris at mga estudyanteng nakakaalala saken dyan sa monte!!


hanggang dito na lang mga friends, hanggang sa muli! sana maka-survive ako sa midterms pagdasal nyo akoooo =))

4th monthsary na namen sa Tuesday =) lab yu chin ko =p


* my S H A T T E R E D dreams_ 7/30/2006 05:29:00 PM

Wednesday, July 19, 2006



Hassle naman oh!? nandito ako ngayon sa maganda at malamig na lintek na internet lab namin sa eskwelahan ko asows.. palibasa wala pa akong pc dito. susko! kelangan ko na ng PC. badly! malapit na ang midterms at hanggang ngayon ay namumuti na ang mata ko sa sobrang pagod at sobrang gutom speaking of gutom.. takte, gutom na ako!

Oh well, eto nga sumali ako ng isang org.. at ayus lang naman.. matagal ako mawawala sa internet world sa kadahilanang mALAPIT NA ANG PAKING MIDTERMS! kailangan kumayod shet!!! hay nako! wala na ako masabi! sisibat na ako! kakain na nga ako!


* my S H A T T E R E D dreams_ 7/19/2006 03:33:00 PM

Sunday, July 16, 2006



Nagising ako ng 7:30 in the morning.. garabe.. ANG AGA KO! wala naman ako gagawin buong maghapon. Kaya eto, nandito na naman ako sa Laguna. Ito na ang last na uwi ko dito, hay nako! sa september or october na ako makakauwi sigurado yan. Kaninang umaga may nalaman ako nakakasama ng loob. HULI ang titis ng yosi sa aking can HULI ako! --- ayun lang =( For the first time, nasabi ko to na ayaw ko na umuwi dito sa laguna. Ayoko na maalala pa at maibalik ang mga hinanakit na naranasan ko dito sa bahay na to. Ngayon, parang unti-unting bumabalik yung sakit na dinanas ko noon. Hay nako buhay na to..

ay nako, nababaliw na ako grabhe.. last night nakausap ko ang aking friend na si Jempots indi ny aakalain na nasa san pablo ako =) at tawa ako ng tawa kagabi kase umiral na naman ang aking pagkaloka dahil nakagawa na naman ako ng kalokohan! haha! JERMAine MISSH na kita! =) di bale babawi ako sa October, tsuki-tsuki-paw! LOL! =)) Nag-try ako ng rap kagabi, sabi ng kaibigan ko nakaamoy lang daw ako ng alak lasing na daw agad ako. hehe. =)) pero honestly di talaga ako lasing nun. Ni tikim wala =( hehe.

So ayun malapit na ang aming midterms, taena kakapika na ang biology! Hanggang ngayon wala ako maintindihan! KAYA NGA AKO NAG-COMM ARTS PARA WALANG BIO AT MATH TAS NGAYON MERON NA! KAKAPIKA! AMP! Pero oks lang yun, taena, parang mas nauunawaan ko pa ang math ko ngayon kesa nung HS ako ah?! haha =)) nakakagago ang buhay ko ngayon. Kailangan talagang KUMAYOD! dahil pag di ako kumayod, walang mangyayari sakin.

"Namumuong hinanaing ni Charns"

nagtataka ako... BAKIT DI NAWAWALA SA TAO ANG PAGIGING JUDGEMENTAL? ay nako.. Kanina habang nagbabasa ako ng blog ng isang conyo na nagngangalang "cofibean" ako ay natawa ngunit nabahala sa kanyang paguugali. Tangina, akalain mo bang pwera lang mayaman sya nagaalipusta na sya ng kapwa nya dahil sa bihis at social status nito? Mas nakakabahala pa ay may ibang tao na ganon din mag-isip tulad nya. Nakakalungkot, tawag nya sa ibang tao ay "orcs". Di naman pwera mayaman ka, pwede ka na magalipusta sa iyong kapwa. OO!, sabihin na nating mayaman ka at sosyal, pero pare, bilog ang mundo at mapait ang tadhana, malay mo pagdating ng panahon isa ka na sa mga tinatawag mong "orcs". Wala silang ginagawa sa'yo bakit nyo inaalipusta sila? Masasama kayong mga conyo kayo, kakalungkot isipin na ganyan kayo kasama. Nakakabahala,may siansabi kayong "make poverty history" kase eyesore ang mga squatters area at para mawala na ang masa at "orcs" na jologs ang tao. TAKTE KA PAKYU! Every person is unique in their own ways, buhay nila yan. Pasensya kayong mga knoyo kayo, at least yung mga taong yun comfortable of who they are at di sila nagpapasosyal. TANGINA! CONYO! di naman sa nilalahat ko, pero nainis ako sa mga taong sosyal na nga, nanlalait pa. Para kayong mga kontrabida sa teleserye ah?! ayun lang.. ang masasabi ko lang ay, "LAHAT NG TAO PANTAY PANTAY, KAHIT ANO MAN ANG ESTADO NYA SA BUHAY, THEY ARE NOT DIFFERENT FROM YOU! TAO KA DIN AT ALAM MO NA HINDI KA SUPERIOR SA LAHAT DAHIL ANG KASAMA MO ARAW ARAW AY TAO RIN, MAYAMAN MAN O MAHIRAP, RESPETO LANG!"


"ukol sa pulitika"

"Pulitika at pelikula ay tila iisa matira ang matibay sa lahat ng sistema, lahat gusto kumita, mapaikot ang storya, sa aming paningin lahat ay kontrabida. Nauulol, tumatahol, bumubula ang laway, lumalabas ang pangil, tumutubo ang sungay. Spadahan ng salita, sino ang kawawa? Lahat daw sila tama.. Lahat kami kawawa. Masakit isipin na mababoy ang bayang kinalakihan, ilagay mo ang kamay sa puso at isigaw ng mamatay ng dahil sayo"- K.K.K. by Kamikazee

Napakaganda ng kantang ito, dahil ito ang tamang kanta sa status ng pulitika dito sa ating bayan. May napakagandang meaning ang kantang ito. Ang pananaw ng kanta ay sumsangayon sakin prinsipyo ukol sa ating bayan. Kaya hindi umuunlad ang bansa eh, puro bangayan.. tapos pagkatapos ng bangayan kurakot. Maya maya makikita mo mga anak ng politiko nasa states na o kaya naka-expedition na at lahat ng luho ay nasa kanila na. Puro sat sat wala naman ginagawa para sa bayan. Para nang showbiz tong ating gobyerno. Merong politician diyan, wala man lang napag-aralan, artista, at di marunong ukol sa law, nananalo. Sayang naman ang ating bayan kung mapupunta lang to sa mga trapo at mga gagong pulitiko. Kailangan nating mag-unite, tayong mga kabataan, tayong lahat! magkaisa para sa kauunlad ng bansa. Wala ng sisihan, walang palitan ng gobyerno. Magsipag at magkaisa para ipakita sa iba na ang ating henerasyon ay ang totoong pag-asa ng bansa. YOUTH POWER! =D


* my S H A T T E R E D dreams_ 7/16/2006 05:41:00 PM

Monday, July 10, 2006



Habang sinusulat ko tong post ko, ay meron pang pending assignments ako na kailangan gawin! hayup! hehe.

Well, eto nga! July na naman. HAYUP! Malapit na August, malapit na midterm namin. ISTRESSS ANG ABOT MO CHARNS! ayun nga, Kakadating ko lang galing Manila, at ngayon nasa Laguna na naman ako.

"charot"
oo kakaonline ko lang kahapon, tapos biglang nag-message saken ang kaibigan ko. Ayun! ginagago na naman ako,at nagpapalibre XD. Pagkatapos ng aming gaguhan eh binalik nya ang dati kong alias "charot" takteng yan! 2nd year HS pa ako nan! CHAROT! hehe! Ang history ng Charot, ay nagsimula sa pangaasar nila saken nung nagbabanda kami :D gago talaga. hehe.

So ayun, wala naman ako magandang maikwento ngayon, dahil pakiramdam ko unti-unti ako nawawala sa mundo, unti-unting nanghihina at nawawala sa kawalan. O san ka pa? hehe

Subrang hectic naman oh?! Nasabayan pa ng problema.. puro na lang problema! AYOKO NA!Pero kahit madaming problema, pinipilit ko pa rin aliwin sarili ko. Ngayon naman, bankrupt ako! Nakakagago! Kahit pangyosi wala ako!! haha

Parang pakiramdam ko na ayaw ko na sa course ko, parang di bagay sa akin eh. Pero, tingnan ko after one year pag di talaga ako bagay sa Comm. Arts eh mag-shishift ako at lilipat ng school. IT or Marketing ang balak ko kunin at sana makapasok sa UP o San Beda. =p

Mga nangyari saken nung nakaraang linggo? ayun puro kalokohan. Ang hirap ng college life, pagdating ko ng bahay, agad-agaran knockout na ako. HAAY!! Pero kahit puro stress, nagkita kami ng friend kong si Gelo sa may McDO! Nalaman ko kase na malapit ang dorm nya sa school ko, tapos pareho kaming breaktime non, kaya yun.. yosi session na naman kami ni Gels! Kung di lang kami magkakalayo magkaibigan eh di sunduin ko sila! Kaso ang layo talaga! Nakakamiss ang high school life. Kaya ang lagi kong payo sa mga kaibigan ko na High School pa eh enjoy nila HS life nila, dahil pagdating ng College, seryosohan na ito.

"inlababo hotline"

aba oo! Inlababo hotline ako kahapon habang pauwi na ako ng Laguna. Habang ako ay nakabinbin sa matinding trapik sa may parteng Pandacan at Paco, biglang ang mga katext ko ay mga INLABABO!! hoy ito ay patama ko sa mga nagtext saken non! oi! good luck sa inyo mga tol. Wag nyo na ako alalahanin, kaya ko sarili ko. Basta ba wag nyo ako kakalimuntan at dapat may package kayo every month para saken XD Pasensya na sa mga pinagsasabi ko sa post ko!


Math Class namin, nako! 730-10 am. takteng yan! yun ang stress! lintik ang dami ko pang assignment dyan! nako, habang nagklaklase ako eh nagtetext ako, di nahuhuli! hehe! Nung oras na yun ka-text ko ang isa ko pang friend! hehe.. natawa ako nung sinabi nya saken "charns, balita ko ngongo ka na daw" hahahaha XD sabi ko, hindi naman! nahawa akO! ehhehehe! tumatawa ako ng patago habang math class, buti na lang di mahigpit ang prof.

Miss ko na lahat ng kaibigan ko! subra! miss ko na mga kalokohan namin sa eskwelahan ng montessori! haha!Pero ganyan talaga.. hay. Lintik na yan! Ilang araw na lang ba? gusto ko na mag-sembreak! hayup talaga =)

*_* sana dumating na laptop ko! ayoko na umuwi every weekends dito sa san pablo para makapagcomputer argh!

*sa mga taong nakakabasa ng blog ko, pasensya na kung medyo magulo at parang nakainom ang nagsusulat. Mejo may katopakan lang ginawa ang may akda, at ito ay dinala ng stress. Maging sira ulo! hehe!


* my S H A T T E R E D dreams_ 7/10/2006 12:05:00 AM