* S H A T T E R E D dreams ]

Sunday, December 17, 2006



I had the worst day yesterday! GRABEE Nagising ako ng 9 am at nagalmusal. Niyaya ako ng ate ko sa Greenhills, San Juan para mamili ng Christmas gifts. Nakabli na kami ng mga regalo para sa kapatid ko at sa nanay ko. Dapat magtatagal kami. Sobrang dami ng tao dun, takte. sikipan tlga. Ayun, habang umiikot kami ni ate sa tiangge. namimili kami ng mga damit. Napansin ko parang di na tumutunog ang cell ko, eh katext ko pa naman nun si jelailicious. At biglang ayun nga, pagkakita ko sa bag ko bukas na sya at yun NAWALA ANG CP KO T_T huhuhuh! putangina tlga.. nakakabadtrip! tsk! May nagnakaw ng CP ko sa bag ko!! ay nako, kahit nasa kalagitnaan ako ng mall iyak ako ng iyak. TANGINA!! kabwiset. Biglang tinawagan ng ate ko ang nanay ko at pinakausap saken, humagulgol na ako, at sobra. Nasabi ko sa nanay ko, agad agad kinausap sya ng ate ko... ayun.. Kaya gumawa sila ng paraan,ibibili nila ako bago cp nung oras na yun. Umuwi muna kami tapos kumain at hinintay ang bi-ep ng ate ko para samahan kami sa Greenhills. Eh yun, hanap ako ng hanap sa greenhills ng kagaya ng CP ko, pero hmph! wala ng maroon! kaya black na ang naibili ko. =( kabwiset. Buti na lang may extra sim pa dito sa bahay. Grabe ang araw ko kahapon, para akong pinatumba. POTAH! Sa mga pangyayareng yun, di na kami nakapamili ng regalo sa mga kapatid ko. AY POWTAH! Sa susunod magiingat na ako. TANGINA!!!!!!!!! Sa dami daming lugar na nag-gala ko na, dun pa ako sa pinakamalapit samen ako nanakawan. First time na nangyari saken to. HAY NAKO! di bale... oks lang. meron na akong cp. Kung sino man ang nagnakaw na yun, nako goodluck na lang sa kanya at nagsisimula na masira cp kong yun :)) haha! ok lang yan. makakarma din yun. :) dats layp. ngayon di ko na mapapabili sa mga magulang ko ang pamaskong pinaka-aasam ko, BAGONG CAMERA! tsk. sayang. pero oks lang, malapit na rin nman ang birthday ko eh :) oks na buhay!!

Bright side of all the things :)
ETO ANG MASAYA! :) haha. masaya ako ngayon dahil monthsary na namin ng aking lab :) yihiii! I miss you lab! AYLABYUSOMATS!!! :) 1 month na kami! yey!! :)


* my S H A T T E R E D dreams_ 12/17/2006 02:50:00 PM

Wednesday, December 13, 2006



it's a rainy wednesday afternoon. Powtek! Umuulan na naman?! ahhhaay! habang mahaba ang aking bakasyon, naisipan ko kutkutin ang cellphone ko, at ang saya.. GO MOTOROLA! :) hahahah! THE BEST! kaya nilipat ko ang mga pix from my phone from the past few days :) ! ang saya! por the pers taym! magpopost ako ng pic ko na napakagulong anyo! owyeh! haha! baliktad pa! san ka pa!? :) Salamat sa diyos at thursday na bukas, ang saya saya saya saya saya! papasok na rin ako sa wakasss!!!!!


fr (l-r) AKO! haha! amfanget!!!, si Joey... Emo mode sa San Juan. My 2 babies :) tska School ko, sa likuran lang yan ng Gym. Laging walang tao dito eh :) hehe


* my S H A T T E R E D dreams_ 12/13/2006 04:00:00 PM

Saturday, December 09, 2006



ay sus.. wala tlga ako magawa... hmpf! haha! kung marami lang akong pera, nakapag-gala na ako :) haha! Fridays and saturdays are my TAKAS DAYS! :) hehe! wala kase si father. :) walang guardia sibil. Weeeh! eh yun, maghapon akong nakatunganga sa bahay. yosi ng isa. tapos kain. luto ng konti. linis ng konti. tugtog buong maghapon. net maghapon. :) ay sus! Unti- unti ng nawawala ang addiction ko sa yosi. yehey! ;) eh yun nga, wala naman bago ngayong araw na to. HAYUP! haha! la tlga magawa. Badtrip, wala akong mms. GUSTO KO isend ang "scandal" ng kapatid ko at mga pix nyang tambay mode nung kami ay nasa San Juan at ang kanyang mga emo moments nya sa san Juan. Tawa ako ng tawa tuwing nakikita ko yung pics ng utol ko. :) haha! Lumabas pala kami ng family ko, ayun pag-gala gala.. kain kain.. masaya tlga, kahit minsan nakaka-irita kasama sila at puro reklamo, puro drawing. :) haha! Hirap nila kausapin eh.. simple kase akong kausap eh sila complicated. Badtrip nga eh, haha. pero oks lang yun, pamilya ko parin sila at i owe a lot to them, kahit minsan eh ginagawa nilang impyerno ang buhay ko. Isa sila sa dahilan kung bakit ako nag-attempt suicide. Oh well, sa sobrang bagot ko dito bigla ko naiisip yung nakaraan ko, yung high school days ko na napaka-pait. Sa sobrang dami ng nangyari saken nun parang nagulat ako na nandito ako, nagtatype at nagkekwento tungkol sa storya ng buhay ko. Ilan na ang mga malulungkot na pagsubok ang dumaan saken, kaya siguro ako immune ngayon.. sana nga immune! haha! Nung mga panahon na yun eh gusto ko araw araw may sakit ako para maramdaman ko pag-aaruga at pagmamahal ng ka-pamilya ko. Minsan tamad na rin ako pumuntang school noon, lagi na lang ako pinagiinitan dun eh, hindi ng mga teachers, kungdi ng mga schoolmates ko. Oh well, that's life. TAMA NA NGA ANG DRAMA! POTA! haha!

ngayon, masayang masaya ako. SOBRA SOBRA SOBRA! umaapaw ang kasiyahan ko, kung pwede lang to pamahagi e di halos 10 milyong katao ang masaya ngayon :) Ay sus, enough of the problems. Kailangan ko na mag-sipag mag-aral! Dahil alam ko na kung san course ako mag-shishift :) at kung san ako lilipat :) ayyy.. malapit na ang simbang gabi too bad di ko masisimulan kase nandito ako sa kyusi. oks lang yun.. :) haha! Don't worry family and friends, I'll be home for christmas :) Kahit na ayoko na umuwi jan, pasko naman eh kaya oks lang :)

Malapit na pala ang Enero, ay nako! malapit na naman ako gumawa ng mga resolutions :) haha! malapit na rin ang Fiesta ng San Pablo! BATTLE NA TOOO!! Sana nga makauwi ako at makapanood man lang ng battle. Oks na saken kahit hindi lumaban ang banda namin, kahit yun ang balak namin ngayong parating na fiesta :)

Hay nako, sa thursday pa ang pasok ko! nyetaaaaa! ilang araw na akong bakasyon at nakatoka dito sa bahay! hooo! meeen!! hehe. ay basta gusto ko na pumasok sa schooL!! sobraaa!! :)


* my S H A T T E R E D dreams_ 12/09/2006 09:43:00 PM

Thursday, December 07, 2006



taena..oo! simula bukas wala akong pasok! amfffuufuu!thursday na ulit pasok ko! tangina. mababato na naman ako! tinatamad ako umuwi ng san pablo. hahaha!

mga pangyayari kanina...
haha!wala masyado pangyayare.. para akong babagsak! hahaha!So ayun nga... nagsimula ang araw ko ng 7:30 am. Nanuod kami sa AVR ng pelikula for Christology. Powtek.. inantok ako at paulit-ulit naman kase!!!! :) hah! natapos kami ng 9 am. Tapos 9:30-11 klase sa english. may seatwork na nga.. may quiz pa.walang patawad si miss! hahaha! pagkatapos nun. 11 am klase ko info tech. Maaga kami na-dismiss dahil may meeting si miss. Mga 11:45 pinaalis na kami! saya! Bigla kong nalaman na wala pala ang 1-3 class namin ng Sociology dahil wala din ang prof namin. SOBRANG SAYA! haha! kaya yun, nagbabalak kami pumunta sa SM manila. Pero kumain muna kami ng lunch.. after kain deretso na kami sa SM. Kasama ko ang aking dear prend na si gelsy. sumama samen mga holy girls.. hahaha! ayun, paikot ikot kami sa mall.. andami kong gustong bilhin kaso nga lang, WALANG PERA! haha!taenang buhay to oh? haha! ayun nga, nakakita na ako ng pang-regalo. :) saya! haha! bstaaa.. :) sikreto. :) haha!Dumating kami sa skul ng 3 pm.. ay nako! badtrip. wala pala yung last period prof namin. kakainit ulo! nagmadali pa naman kami nun!!! eh yun nga... bukas dadating ang nanay ko dito sa manila para icheck ako.. baka yayayain na naman ako neto umuwi. amfufu. ayoko umuwi! haha! sa pasko na lang.. :)

ayun nga.. masaya naman ang aking pag-gagala. :) takte. wala namang pera. namasahe lang :) haha! powtek na yan. hangkukulet nmin sa mall. tripping kami. :) haha! hay nako... badtrip.. DAMING BAKASYON TAMBAK TAMBAK ANG PROYEKTO! >.< haha! gagawa daw ako ng rosaryo! san ka pa?!?!?!?! :)

Geh hanggang sa muli!

miss ko na lab ko! :) good luck pala sa laban nyo bukas! a misyu lab! :)


* my S H A T T E R E D dreams_ 12/07/2006 09:13:00 PM

Monday, December 04, 2006



Ay! di ko naramdaman.. December na pala! Malapit na ang pasko. Hayup, ang bilis ng panahon ano? ay nako.. grabe, hanggang ngayon wala pa rin akong pera pambili ng mga pangregalo sa para sa mga lab ones ko. aysusko! hehe! e di yun nga, may pasok na ako bukas, salamat din noh?! ang haba na ng bakasyon ko kase last week, Wednesday lang may klase.. kaya ayun! haba tlga ng bakasyon ko plus weekend ko! takteng yan! sipag na sipag pa ang utak ko tas biglang pagbabakasyunin.. ay nako! batong bato na nga ako dito sa bahay namiN! shyet.. naging cook na ako dito! ako na ang nagluto ng ulam! buti na lang dumating si ermats! haha! kaya yun.. oks lang naman ang buhay.. haha! sige.. sa susunod na muli.. ako'y tamad na magtype! hahaha! babaayy!!


* my S H A T T E R E D dreams_ 12/04/2006 07:20:00 PM