* S H A T T E R E D dreams ]

Monday, January 29, 2007



saya ng weekend ko! nawala ang problemaaa! ang sarap sarap sarap talaga ng umuuwi samen, I can't wait to go home again =) nakasama ko ang mga kaibigan ko.. grabe. super duper saya. kaso bwisit na phone ko, tuwing me pic moment biglang nalolowbat. kagago eber! haha!! sa susunod na ako magpopost pa ng pix... katamad kase magpost! :)) haha! pakita ko lng... kung gaano kasaya ang weekend ni charns =)


* my S H A T T E R E D dreams_ 1/29/2007 03:30:00 PM

Friday, January 26, 2007



hayop. kailangan ko na kumayod sa pag-aaral. hayp tlga =(


* my S H A T T E R E D dreams_ 1/26/2007 10:07:00 PM

Monday, January 15, 2007



ang saya ko naman! \:D/

wala lang! masaya na ako ngayon! harharhar! ika nga ng mga kaibigan ko, ang hindi tumawa, paslang! :)) eh ayun, wala magawa ngayon eh. I'll be gone for a week, baka maging busy at di na ako makapag-update. Pero sa susunod na update ko, uulanin ko to ng pics :) haha! dami ko gagawin this week, ang saya. Uuwi ako ulit ng Laguna, mag-aayos ng mga gusot na ginawa ko dun at aatend ng mga PARTY! woohoo! partihan na naman to charns!! :) taena, adik na adik ako sa CTTS (circle takes the square) lanjo! di pa ren ako nag-aaral! i wanna go out! :) haha! taenang adik tlga oh?! :)) Hayop! wala ako mapag-buhusan ng saya! langya kase, di bale bukas... kung merong abeylabol, magiinom at magseselebreyt! :)) basta manlilibre ako bukas masaya ako eh! sana tumagal tong kasiyahan na to.. sige batsi na ako! mag-aaral na ang lola nyo :) haha! babuya! ay tae, naalala ko, ibebenta ko na bass ko... pero parang nagdadalawang isip ako! :)


* my S H A T T E R E D dreams_ 1/15/2007 02:53:00 PM

Sunday, January 14, 2007



eto nga, bagong layout. harhar! tangina, midterms ko na sa tuesday! Hanggang ngayon wala pa ako naaaral! di bale! mamaya aral na tlga ako! pramis yan! ! So eto na nga ako, nagsisimula na uli! tangina! hirap tlga magrestart ng utak! :) So ayun, hindi na ako umiiyak, naubos na ata. Salamat sa mga DVD dito sa bahay, naliwaliw ako kahit papano! nadistract ako eh! :) hay nako, midterms na naman! NAMAN!!! asar! sana lang makapasa ako ulit!

So ayun nga! bago na ulit buhay ko! nagsisimula na ulit ako, hayup, nga pala! 3 na guitars ko! at may bago akong bass! well, actually, hindi sya bago, nakalkal ko lang sya at pina-repair ko, dapat tlga para sa isang espesyal na tao yun, kaso wla na sya kaya akin na lang yung bass na yun! haha! oks lang yun, at least.. meron akong bass. haha

Ay ayun nga, fiesta sa san pablo bukas at lahat ng tao eh iniinggit ako! hayup kayo! :)) haha! joke lang.. sana andyan ako para makalimutan ko na lahat ang nandito sa kamaynilaan, at sa mga nangyare saken dito. Gusto ko ng fresh start, pamula last week binago ko na sarili ko, hindi na ako baliw katulad ng dati, matino na ako ngayon. WEH!? joke! hehe! pero seryoso, binago ko na sarili ko,sa susunod hindi na ako tatanga-tanga at hindi na magtitiwala, I trust only the people who've been with me through THICK AND THIN! nagpapasalamat ako sa kanila kung wala sila siguro wala na rin ako, salamat talaga sa mga kaibigan ko at binigyan nila ako ng lakas, mas lalo na ngayon na wala naman pakelam saken ang family ko. salamat tlga sa inyo!

Bago na ngang charns ang matatagpuan ng iba, ewan ko ba.. siguro sawa na rin ako maging tanga. Sawa na rin ako sa sarili ko! :)) haha! joke. ahm, babaguhin ko na talaga sarili ko, babaguhin ko na rin itsura ko, pero mga prinsipyo ko sa buhay hindi ko babaguhin. I'm still the same, pero me konting mga adjustments. Pramis ko sa sarili ko na kahit na magbago ako, i'll never be stupid again, it means, I'll never love too much, or even fall in love again. Habang nasa school ako, hindi na muna.wag na lang pampasira kase eh! :) haha!

pero ngayon, mejo sumasaya naman ako! ano ba naman kase magagawa ko di ba? part to ng cycle of life, may mga ups and down, i dont like to sound bitter pero that's how i feel right now. Bahala na nga si batman! Isang matinding pagsubok ang dumadating sa buhay ko ngayon, may balak akong lumipat uli kung san may mga taong may pakelam saken, pero di naman ako pepwede. Family, school and myself.. yan ang mga problema ko ngayon. Ewan, tapos ganto pa. kaya nga magbabago na ako eh, for good!

I'm still the same old charns, pero ngayon, mas matapang na ako. Mas matalino.


* my S H A T T E R E D dreams_ 1/14/2007 08:20:00 PM

Tuesday, January 09, 2007



waking up like this? naninibago na ako sa mundong ginagalawan ko. Now, nagaaral na ako kung paano hindi magbigay ng tiwala ng basta basta. Ang hirap talaga ng sitwasyon na ganto. Alam mo ba yun? yung nasanay ka ng may kasama ka lagi, yung mga pag-gising mo nakatawa ka na agad, kahit maraming problema, dahil alam mo dun sa pag-gising mong yun, may nagmamahal pa sayo. Ang sarap ng feeling ng ganun, ngayon di ko na nararamdaman yun. Dahil wala na talaga nagmamahal saken eh. Hirap na umasa, pero ganyan talaga. Gusto ko sana humingi pa ng isang pagkakataon, pero siguro wag na lang.. mahirap ipilit ang sarili sa isang taong ayaw na talaga.
Bakit ba napakagulo ng mundo? Minsan iniisip ko, di ko na mararamdaman yung pagkagising mo nakatawa ka, naiisip mo sya... dahil alam mo sa sarili mo na may nagmamahal talaga sayo, may taong handa na damayan ka, may taong nag-aalala sayo.

Iba na talaga ang pakiramdam ko ngayon, parang sinampal ako ng malakas sabay binuhusan ng napakalamig na tubig at sinabi saken ng mundo " HOY TANGA! GISING KA! AMBISYOSA!" hayup. Ang hirap, ibang iba na talaga ang mundo ko ngayon, lalong gumulo. Ewan ba!
Pakiramdam ko, lagi ako napagiiwanan talaga ng panahon, kumbaga ang happiness ko, temporary lang, hindi sya nagiging permanent.

Ngayon narealize ko, na hindi lahat ng ending masaya. Hindi lahat ng mahirap na bagay pwedeng madaliin. Bakit kaya ang tao mabilis magsawa? ewan.
Habang nakatulala pa dito, minsan naalala ko mga sinasabi niya na.... tangina. parang nanaginip lang ako..

Ngayon, sinisimulan ko na ang bagong buhay ko. Ang buhay ng mga manhid. Ayoko na makiramdam, ayoko na makelam sa mundo. Sa lahat ng mga nangyare sa buhay ko, namatay na yung soul ko. Namatay na nga ang CHARNS na nakilala ng lahat.

Oo, aaminin ko, nagkunware akong matatag, akala ko matapang ako at kakayanin ko ang lahat, yun pala isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ko sa sarili ko. Bakit kailangan ako pa? Kung kagaya mo lang ako, kung kaya ko lang ang ginagawa mo, parang nakikita mo naman na madali sayo eh, madali makalimot... madali makarecover.. madali sumaya.. eh ako? siguro habang buhay na to.

Mabuti na lang di ako kasing baliw katulad ng dati... kung hindi, hindi ko na talaga kinaya lahat. =( ewan. bahala na!!


* my S H A T T E R E D dreams_ 1/09/2007 03:50:00 PM

Saturday, January 06, 2007



eto na.. ang tagal ko na di naguupdate ng blog... nagdaan na ang pasko at bagong taon ngayon lang ako nakapagupdate.. Ayun, napakasama ng pasko at bagong taon. BASTA! panget na panget. nakakadepress. well, ayun.. me ibabalita ako, kaso ANO NGA BA NAMAN ANG BAGO? ayun.. singolness na naman ako... sabi ko sa inyo eh.. WALANG BAGO! eh ano ba mgagawa ko? sino nga ba magtatagal saken? oh well, tuloy ang plan B.

Ang dami ko ngayong problema, napagiwanan na talaga ako ng panahon. Lintik na pag-ebeg yan, lahat sinakripisyo ko, wala pala papatunguhan. Madaming oppurtunities ang nawala saken.. isang matinding leksyon para kay charns ang di na umibig muli.. di na magseseryoso.

eto ako ngayon sa bahay namin, napag-iwanan ng panahon.. walang inuman, walang kaibigan.. wolang wola! Yosi ang kaakibat ko inday ah?! eh yun.. ang sarap magyosi muli... sheet! bangag talaga ako ngayon araw na to.. wala akong ginawa kundi tumambay sa bahay, naglinis, nagluto, nanuod ng DVD, nagtext... hay, the things i do!! shit!

cge eto na nga ang bagong plano sa buhay.. magiging mayaman na doktor na matandang dalaga. ULTIMATE! :) hehe. Single na naman ako, as usual, pag naiiwanan ako alam nyo na naman ang ginagawa ko di ba?

di lang naman tungkol sa pag-ibig ang problema ko eh.. marami pang bagay.. recently lang to sa pagibig.. pero ewan! problema sa pamilya... as always.. ano ba bago?tangina.. Ngayon na wala na namang kwenta ang buhay ko dito binabalak ko na magpakalayo sa mga problema at pinoproblema ko.... magiingat ingat na ako ngayon.. dahil pag nahule ako ulit paktay na naman!!

hay pota.. wala ako masabi.. masakit mata ko.. KONEKSYON? guess!


* my S H A T T E R E D dreams_ 1/06/2007 09:10:00 PM