* S H A T T E R E D dreams ]

Tuesday, January 09, 2007



waking up like this? naninibago na ako sa mundong ginagalawan ko. Now, nagaaral na ako kung paano hindi magbigay ng tiwala ng basta basta. Ang hirap talaga ng sitwasyon na ganto. Alam mo ba yun? yung nasanay ka ng may kasama ka lagi, yung mga pag-gising mo nakatawa ka na agad, kahit maraming problema, dahil alam mo dun sa pag-gising mong yun, may nagmamahal pa sayo. Ang sarap ng feeling ng ganun, ngayon di ko na nararamdaman yun. Dahil wala na talaga nagmamahal saken eh. Hirap na umasa, pero ganyan talaga. Gusto ko sana humingi pa ng isang pagkakataon, pero siguro wag na lang.. mahirap ipilit ang sarili sa isang taong ayaw na talaga.
Bakit ba napakagulo ng mundo? Minsan iniisip ko, di ko na mararamdaman yung pagkagising mo nakatawa ka, naiisip mo sya... dahil alam mo sa sarili mo na may nagmamahal talaga sayo, may taong handa na damayan ka, may taong nag-aalala sayo.

Iba na talaga ang pakiramdam ko ngayon, parang sinampal ako ng malakas sabay binuhusan ng napakalamig na tubig at sinabi saken ng mundo " HOY TANGA! GISING KA! AMBISYOSA!" hayup. Ang hirap, ibang iba na talaga ang mundo ko ngayon, lalong gumulo. Ewan ba!
Pakiramdam ko, lagi ako napagiiwanan talaga ng panahon, kumbaga ang happiness ko, temporary lang, hindi sya nagiging permanent.

Ngayon narealize ko, na hindi lahat ng ending masaya. Hindi lahat ng mahirap na bagay pwedeng madaliin. Bakit kaya ang tao mabilis magsawa? ewan.
Habang nakatulala pa dito, minsan naalala ko mga sinasabi niya na.... tangina. parang nanaginip lang ako..

Ngayon, sinisimulan ko na ang bagong buhay ko. Ang buhay ng mga manhid. Ayoko na makiramdam, ayoko na makelam sa mundo. Sa lahat ng mga nangyare sa buhay ko, namatay na yung soul ko. Namatay na nga ang CHARNS na nakilala ng lahat.

Oo, aaminin ko, nagkunware akong matatag, akala ko matapang ako at kakayanin ko ang lahat, yun pala isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ko sa sarili ko. Bakit kailangan ako pa? Kung kagaya mo lang ako, kung kaya ko lang ang ginagawa mo, parang nakikita mo naman na madali sayo eh, madali makalimot... madali makarecover.. madali sumaya.. eh ako? siguro habang buhay na to.

Mabuti na lang di ako kasing baliw katulad ng dati... kung hindi, hindi ko na talaga kinaya lahat. =( ewan. bahala na!!


* my S H A T T E R E D dreams_ 1/09/2007 03:50:00 PM